Bumubuhos ang suporta para kay Bise Presidente Leni Robredo nang ideklara ng isang malaking pederasyon ng paggawa ang pangako nilang suportahan ang nag-iisang babaeng kandidato sa pagka-Pangulo para sa halalan sa Mayo.
Sa isang manifesto, isinaad ng Association of Genuine Labor Organizations (AGLO), isa sa pinakamalaking organisasyon ng manggagawa sa bansa na mayroong solidong presensya sa Metro Manila, Southern Tagalog, Central Luzon at Cebu, na “matatag nitong sinusuportahan ang kandidatura sa Pagkapangulo ni VP Robredo para sa kanyang pangako at sinserong tungkulin na iangat ang kalagayan ng mayoryang mahihirap.”
Sinabi ni Ronald Austria, AGLO National Council chairman, na nagpasya ang kanyang grupo na ilipat ang suporta kay Robredo matapos magsagawa ng komprehensibong pagtatasa sa kanikanilang plataporma ng gobyerno ng lahat ng kandidato.
Ang agenda ng Bise Presidente na “isulong ang katarungan at katarungang panlipunan, at igalang ang dignidad ng paggawa, pagkilala at pagprotekta sa mga karapatang pantao at unyon ng manggagawa” ay nagtulak sa amin na maniwala na siya ay karapat-dapat na maging aming Pangulo.”
“Mahigpit na sinusuportahan ng AGLO ang agenda ng patakaran sa ekonomiya at paggawa ni Robredo,” saad ni Austria.