BINATA, TIMBOG SA PAGTUTULAK NG HIGIT KALAHATING MILYONG HALAGA NG MARIJUANA

28
Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang binata matapos magpositibo sa ikinasang drug buy bust operation ng mga otoridad sa Brgy. Alimanao, Peñablanca, Cagayan.

Kinilala ang suspek na si Romel Baculi, 23-anyos, at residente ng Alimanao, Peñablanca, Cagayan na nadakip pasado alas 6:00 kagabi sa nabanggit na barangay.

Batay sa inilabas na impormasyon ng PDEA Region 2, tuluyang inaresto si Baculi matapos mabentahan ng anim (6) na bricks ng pinatuyong dahon ng Marijuana ang isang poseur buyer.

Nasa 6000 grams ang bigat ng anim na bricks ng marijuana na tinatayang nagkakahalaga ng Php720,000.00.

Nakuha rin sa pag-iingat ng suspek ang isang piraso ng travelling bag, isang unit ng cellphone, isang sling bag, isang motorsiklo at ang ginamit na buy bust money.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 si Baculi na nasa pangangalaga ng pulisya.

Facebook Comments