Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11699 na nagdedeklara sa Agosto 30 bilang National Press Freedom Day.
Ayon kay acting Presidential Spokesman Martin Andanar, ang National Press Freedom Day ay bilang pagkilala kay Marcelo H. del Pilar na ama ng Philippine Journalism.
Isinunod aniya ang petsang ito sa kaarawan ni del Pilar na ipinanganak noong Agosto 30, 1850.
Kaugnay nito, nagpaabot ng pagbati si Andanar sa National Press Club na nanguna para maipasa at mapirmahan ni Pangulong Duterte ang nasabing bagong batas.
Facebook Comments