Pamamahagi ng voter’s information sheet, naantala ayon sa COMELEC

54

Aminado ang Commission on Elections (COMELEC) na naantala ang pamamahagi ng Voter’s Information Sheet (VIS), na tutulong sana sa mga botante na mahanap ang kanilang mga polling center sa araw ng halalan.

Ayon kay COMELEC Commissioner George Garcia, kumuha na sila sa ngayon ng mga emergency workers para mabilis ang pag-track sa pamamahagi ng VIS.

Aniya, maaaring sumangguni ang mga botante sa VIS kaya hindi sila dapat mag-alala kung makaranas sila ng problema sa pag-access ng kanilang voter registration status sa pamamagitan ng precinct finder o voter verifier.


Mayroon din daw silang opsyon na pumunta sa kanilang lokal na tanggapan ng COMELEC para i-verify ang status ng kanilang registration.

Facebook Comments