AGOSTO PA | Pagsisimula ng trabaho ni bagong Justice Usec. Emmie Villar, bahagyang maaantala

49

Manila, Philippines – Sa Agosto pa makapagsisimula sa kanyang bagong trabaho si Justice Undersecretary Emmie Aglipay-Villar

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra ,kinakailangan pa kasing asikasuhin ni Usec. Villar ang kanyang iiwang trabaho sa Kongreso bilang kinatawan ng Diwa Partylist.

Tiniyak naman ng Kalihim na walang matinding epekto sa trabaho o operasyon ng DOJ ang maantalang pagpasok ni Usec Villar dahil maari namang saluhin muna ito ng iba pang Undersecretary at Assistant secretary.

Sinabi pa ni Guevarra na pinaplantsa pa rin niya ang mga magiging assignments ng mga bago nilang Usec at Asec.

Pero sa susunod na Linggo ay inaasahan anya nilang makapgsisimula na sa DOJ sina Undersecretaries Adrian Sugay at Mark Perete.

Magsisilbi namang bilang Assistant Secretary si Atty. Neal Vincent Bainto kapalit ng nagbitiw na si Assistant secretary Juvy Manwong.

Facebook Comments