Manila, Philippines – Lalagdaan bukas ng mga ASEAN Leaders ang ASEAN Consensus na naglalayong mas maprotektahan pa ang karapatan at kapakanan ng mga migrant workers sa ASEAN region.
Ilan sa nilalaman ng naturang agreement ay ang tamang pagtrato sa mga migrant workers ano man ang kasarian at nationality nito.
Kabilang rin sa agreement ang karapatan ng mga migrant workers na bisitahin ang kanilang pamilya at hindi dapat kumpiskahin ang kanilang pasaporte.
Nakapaloob din dito ang proteksyon kontra sexual harassment at violence.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, sa oras na maipatupad ang naturang kasunduan, nasa higit 212 libong Filipino Migrant Workers ang makikinabang.
Facebook Comments