Agresibong kampanya kontra iligal na droga, tiniyak ni PNP Chief na tuloy tuloy sa harap ng pandemya

Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar na magpapatuloy ang mas maigting na kampanya kontra iligal na droga kahit pa may pandemya.

Ito ay kasunod ng pagkakakumpiska ng mahigit 5.5 bilyong pisong halaga ng shabu at pagkaka-neutralize ng 11 high-value drug traffickers kabilang na ang mga main contact ng mga international drug syndicate sa bansa ngayong linggo.

Para kay PNP chief, malaking impact sa iligal drugs distribution system sa bansa ang operasyon sa Bataan at Zambales kung saan nakumpiska ang bilyong halaga ng shabu.


Kaya naman ayon kay PNP chief, pinupursige ng PNP ang mahigpit na koordinasyon at inter-operability sa limang law enforcement agencies sa bansa sa pangunguna ng PDEA para magpatuloy ang agresibong drug operation.

Samantala, sinabi pa ni Eleazar na sa kabila ng mga kritisismo sa agresibong kampanya kontra droga na inilunsad ng Duterte Administration noong July 2016, hindi maikakaila na naramdaman ng mga ordinayong Pilipino ang tagumpay sa paglaban sa iligal na droga.

Sa nakalipas aniyang limang taon, 64 na porsyento ang ibiniba ng krimen sa bansa.

Kaya naman, makakaasa ang mga Pilipino na magpapatuloy ang agresibong kampanya laban sa iligal na droga ng PNP dahil ang kinabukasan aniya ng mga kabataan at ng bansa ang nakataya rito.

Facebook Comments