Agri-fishery sector, naging masigla sa kabila ng epekto ng COVID-19 pandemic ayon kay Agriculture Secretary William Dar

Nagpakita ng pagrekober ang agri-fishery sector sa kabila ng epekto ng pandemya.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, sa kasagsagan ng COVID-19 crisis, napagaan ang epekto ng pandemya dahil sa mga pondong ipinalabas sa ilalim ng Plant, Plant, Plant Program ng pamahalaan.

Mula sa P8.5 billion Rice Resiliency Project, nakapagbigay ang Department of Agriculture (DA) ng mga interbensyon at assistance sa milyong mga magsasaka at mangingisda at urban households sa buong bansa.


Mahigit isang milyong magsasaka na nagtatanim ng mahigit pitong daang ektarya ng palay ang nakinabang sa naipamahaging hybrid seeds at mga fertilizer.

Habang sa P10 billion Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) program, 1.5 million farmers at cooperatives ang nabigyan ng mga binhi at farm machineries.

Sa ilalim ng RCEF credit component, sa pamamagitan ng Landbank at Development Bank of the Philippines , nakapagpautang na ng P1 billion sa 5,671 individual farmers at 22 farmers cooperatives at associations.

Nasa 1,521,133 households naman ang naserbisyuhan ng Kadiwa ni Ani at Kita program kung saan nakapagbenta ng halagang P5.5 billion na produksyon ng mga magsasaka at mangingisda.

Facebook Comments