Manila, Philippines – Naitala sa Pilipinas ang pinakamataas na bilang na pagpatay sa mga tagapagtanggol o tagapangalaga ng kalikasan sa ASIAN region.
Base sa 2017 report ng international non-government organization na ‘The Global Witness’, nasa 48 environmental defenders ang pinatay sa bansa.
Karamihan ay may kaugnayan sa agribusiness.
Binanggit sa report ang Tamasco massacre nang nangyari sa Lake Sebu, South Cotabato kung saan pitong miyembro ng T’boli-Manubu tribe ang napatay sa engkwentro sa New People’s Army (NPA).
Noong nakaraang taon ang itinuturing na may pinakamalalang pagpatay sa mga environmental activist sa 22 bansa sa buong mundo na aabot sa 207 indibidwal.
Ang Brazil ang may pinakamataas na bilang na may 57 kaso.
Lumabas sa report, ang pagtaas ng bilang ng pagpatay ay konektado sa consumer products.