Agricultural map, iminungkahi ng isang ekonomista sa Marcos administration sa harap ng inaasahang pagpapalakas sa agricultural sector

Inirekomenda ng ekonomistang si Ramon Orosa sa administrasyong Marcos ang paglikha ng agricultural map kasunod ng inaasahang pagpapalakas sa sektor ng agrikultura sa susunod na anim na taon.

Inihayag ni Orosa sa Laging Handa briefing kamakailan na sa pamamagitan ng Agricultural map ay matutukoy ang mga produktong pwedeng pagyamanin sa isang lugar gamit din ang makabagong teknolohiya.

Giit ni Orosa na kailangang makabenepisyo ang mga magsasaka sa makabagong teknolohiya ng pagtatanim at pag-ani.


Kung mananatili aniya sa nakagisnan at lumang pamamaraan ng pagsasaka ang mga kinauukulan, hindi uusad o aangat ang mga farmers maging ng bansa sa aspeto ng pang-agrikultura.

Sinabi ni Orosa na sa pamamagitan ng kombinasyong paglikha ng agricultural map at technology, walang dahilan para hindi maging rice, corn at sugar sufficient ang Pilipinas at iba pa.

Facebook Comments