Malaysian national na dinukot, nasagip ng PNP

74

Na-rescue ng mga awtoridad ang isang Malaysian national na dinukot kamakailan.

Sa impormasyon mula sa Philippine National Police (PNP), nakatanggap ng tip ang Tagaytay PNP hinggil dito at agad naman silang nagsagawa ng beripikasyon.

Pagkarating sa Sola Villas Garden sa Tagaytay – Calamba Highway, Brgy. Sungay East, Tagaytay City nakita nila ang biktimang si Cheong Hock Nian isang POGO Employee na ikinulong sa banyo ng nasabing Villa na nakagapos ang mga kamay at paa.


Dali-dali itong dinala ng mga awtoridad sa ospital para sa medical check-up.

Samantala, ang mga kidnapper nito ay kinilalang sina Zhu Pan at Li Yu Kon, kapwa Chinese nationals at 3 John Doe.

Sa inisyal na impormasyon dinukot ang biktima sa Solaire Casino sa Pasay City at dinala sa Tagaytay City lulan ng black van.



Sa ngayon, inaalam pa ng PNP ang motibo sa krimen.

Facebook Comments