Agriculture at fishery output ng bansa, tumaas ng 2.1% sa first quarter ng 2023 – PSA

Tumaas ng 2.1% ang agricultural at fishery output ng bansa sa unang hati ng 2023.

Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), katumbas ito ng ₱428.69 billiion na halaga ng produksyon.

Tumaas ng 1.7% ang mga pananim na nakapag ambag ng halagang ₱247.77 billion.


Kumakatawan ito sa 57.8% ng kabuuang value of production sa agrikultura.

Nagkaroon din ng 5.2% at 3.2% na pagtaas ang pananim na palay at mais.

Nakapagtala naman ng 4.1% na paglago ang livestock production na nagpasok ng ͥ₱62.66 billion na value of production.

Nagpakita naman ng 5.1% na paglago ang hog industry.

Lahat ng poultry commodities maliban sa mga alagaing pato ay nakapagtala rin ng 3.2% na pagtaas.

Bahagya namang tumaas ang produksyon ng isda na nasa 0.3%.

Facebook Comments