Agriculture Department, tinututukan ang pagpuslit ng pork products mula China

Umapela ang Department of Agriculture (DA) sa mga trader na itigil ang pagpuslit ng mga produktong baboy mula China.

Ito ay sa gitna ng natuklasang G4 swine flu strain na may kakayahang pagmulan ng pandemya.

Ayon kay Agriculture Undersecretary Noel Reyes, mahigpit nilang tinututukan ang smuggling o pagpuslit ng mga pork product para maiwasan ang pagpasok ng mga kontaminadong produkto ng mga baboy sa bansa.


Maliban dito, umiiral pa rin aniya ang importation ban sa baboy at mga produkto nito mula China.

Batay sa pag-aaral ng isang journal sa Amerika, ang G4 swine flu strain ay galing sa H1N1 virus na naging pandemya noong 2009 at maaaring makahawa sa tao.

Facebook Comments