Agriculture dept., mahigpit na babantayan ang mga pantalan kasunod ng swine fever outbreak

Naghigpit na ang Department of Agriculture (DA) sa pagmomonitor sa mga pantalan sa mga barkong pangisda mula sa West Philippine Sea.

Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, ito ay para maiwasan ang pagpasok ng mga baboy na maaaring nagtataglay ng African Swine Fever (ASF) virus.

Aniya, madalas ang mga mangingisdang Filipino ay ipinagpapalit ang mga huling isda sa mga karne ng baboy.


Bahagi rin ng Memorandum Order ng kalihim na dapat ay may “human foot baths” sa lahat ng seaports para sa lahat ng mga sakay ng barko, kasama ang cruise ships para hindi maihawa sa tao ang virus.

Tinyak rin ni Piñol, na hinigpitan na rin nila ang inspeksiyon sa mga checked-in at hand-carried luggage ng lahat ng mga pasahero ng eroplano at barko na mula sa mga bansa na may kaso ng ASF.

Ipinagbabawal na makapasok sa bansa ang mga karne ng baboy na mula sa Belgium, China, Hungary, Latvia, Poland, Romania, Russia at Ukraine dahil sa ASF outbreaks.

Facebook Comments