Positibo ang Department of Agriculture (DA) na malaki umano ang indikasyon na makakapag ambag pa rin ang sektor ng agrikultura sa paglago ng pambansang ekonomiya.
Ito ay sa kabila ng bahagyang paghina sa 0.3 percent ng produksyon sa sektor ng pagsasaka at pangisdaan.
Ayon sa DA, tututukan nila ang magandang ipinapakita ng mga produktong pang-agrikultural na nag-aambag sa paglago ng value of production kabilang ang palay, mais, sibuyas, livestock at poultry na pangunahing kinokonsumo ng pangkaraniwang Pilipino.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), sa kabila ng pamemeste ng African Swine Flu (ASF) at avian influenza, nagpapakita ng pagbawi ang livestock industry.
Tumaas ng 3.3 percent mula sa 2.5 percent ang hog production habang ang poultry output ay tumaas ng 2.9 percent.
Tumaas naman ang rice, corn at onion production ng 5.0 percent nitong third quarter mula sa 0.2 percent.
Tiniyak naman ni Agriculture Secretary Franscisco Tiu Laurel na maiaangat ang productivity ng iba pang agricultural commodities sa pamamagitan ng angkop at nararapat na interventions.