9 na sasakyan, nagkarambola sa QC

Aabot sa siyam na sasakyan ang nagkarambola sa Quezon Avenue westbound malapit sa Fisher Mall sa Quezon City.

Sa imbestigasyon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), nawalan ng preno ang trailer truck na may plakang MAV 3983 na nagresulta sa karambola.

Bukod sa truck, nadamay ang dalawang van, SUV, AUV, dalawang taxi at dalawang Sedan.


Bumaliktad ang isang SUV sa sobrang lakas ng pagkakabangga.

May ilang mga nasugatan pero wala pang opisyal na bilang ang mga awtoridad dahil ang iba ay minor injuries lang ang tinamo.

Pitong sasakyan ang nahatak na, ang isa ay naitabi na habang ang truck ay nananatili pa rito sa lugar.

Nagresulta naman ang nabanggit na aksidente sa pagbigat ng daloy ng trapiko.

Facebook Comments