Agriculture Sec. Piñol, hindi suportado ang panawagan ng rice industry nai-veto ni PRRD ang Rice Tarrification bill

Manila, Philippines – Hindi suportado ni Agriculture Secretary Manny Piñol ang panawagan ng rice industry stakeholders na ibasura o i-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Rice Tarrification bill.

Nauna rito, nagtipon tipon kanina ang iba’t ibang grupo ng mga magsasaka, rice millers at rice retailers upang igiit na hindi dapat gawing ganap na batas ang rice tarrification bill dahil hindi ito pinag aralang mabuti.

Ayon sa grupong Mindanao Farmers group, hindi sagot ang mechanization sa pagpapalakas ng agriculture sector.


Ang dapat umanong tutukan ay ang pagpapalakas ng serbisyo sa irigasyon at access sa mga binhi.

Sa panig naman ng Bantay bigas, hindi sagot ang Rice Competetiveness Enhancement Fund para protekatahan ang mga local farmers.

Sinabi ni Cathy Estavillo, kapag binaha na ng murang bigas ang merkado ay wala nang bibili sa mga lokal na produkto ng mga magsasaka.

Sa isang text message, sinabi ni Piñol na iginagalang niya ang rice industry stakeholders sa paglabas ng kanilang karaingan.

Gayunman, ipinauubaya na lamang niya sa pangulo ang gagawing desisyon para rito.

Facebook Comments