Nueva Ecija – Sarado na o wala na ang banta ng bird flu sa Jaen at San Isidro sa Nueva Ecija.
Ito ang idineklara ni Agriculture Secretary Manny Piñol.
Aniya, apat na araw nang tapos ang proseso ng culling sa Nueva Ecija.
Umaabot sa 183,000 ang bilang ng poultry animals na kinatay doon.
Sa Jaen nasa 114,850 na pugo ang kinatay habang sa San Isidro, naman ay nasa 68,950 na nangingitlog na manok ang kinatay.
Sumailalim na sa pag-disinfect ang mga poultry farms sa Jaen at San Isidro sa Nueva Ecija.
Aantayin pa ang 21 days na incubation period para ganap nang ideklara na cleared o nasira na ang banta ng bird flu virus doon.
Facebook Comments