Pangulong Duterte, binalaan si Iloilo City Mayor Jed Mabilog; Pagkakanlong umano sa drug personalities, itigil na

Manila, Philippines – Mistulang binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Iloilo Mayor Jed Mabilog na tantanan na ang pagprotekta sa mga nasa likod ng operasyon ng iligal na droga.

Ito ay sa harap na rin ng paglilipat ng Philippine National Police kay Chief Inspector Jovi Espenido sa Ilo-Ilo City bilang hepe ng pulis doon.

Ayon kay Pangulong Duterte, dapat ay tapusin na ni Mabilog ang kanyang iligal na gawain dahil batid naman aniya nito na ang kanyang ginagawa ay posibleng kapalit ay kanyang buhay.


Binanggit din ng Pangulo na hindi natatanggal si Mabilog sa kanyang druglist.

Matatandaan na ipinakita ni Pangulong Duterte ang kanyang updated drug list na may petsang August 2017.

Facebook Comments