Agriculture Secretary William Dar, tiniyak na may sapat na pagkain; mga traders at wholesaler na nagmamanipula ng presyo, pinaimbestigahan sa Philippine Competition Commission

Hiniling ni Agriculture Secretary William Dar sa Philippine Competition Commission na makipagtulungan upang matukoy at makasuhan ang mga traders at wholesalers na mapapatunayang nasa likod ng artipisyal na pagkukulang ng suplay ng pagkain sa Metro Manila.

Sa isang virtual presser sa Department of Agriculture (DA), sinabi ni Secretary Darla siyang nakikitang dahilan na magmahal ang gulay dahil tuloy tuloy ang pagbaha ng suplay na may sapat na suplay galing ng Central Luzon at ibang rehiyon.

Gayunman, mayroong nangyayaring speculation upang palitawing may nangyayaring food shortage.


Ani Dar, bagama’t bumaba ng 20 percent ang suplay ng buhay na baboy dahil sa African Swine Fever (ASF), nanatiling matatag ang suplay batay sa kanilang inventory.

Aniya, tumaas ng 55 percent ang locally-slaughtered at imported pork sa mga accredited cold-storage facilities o katumbas ng 38,216 metric tons (MT).

Dahil dito, walang nakikita ang Kalihim para sumipa ng hanggang 30 percent ang presyo ng karneng baboy.

Hiniling na rin ng Kalihim ang tulong ng economic intelligence team na siyasatin kung may grupo na gustong maghasik ng panic sa publiko.

Facebook Comments