P60-M halaga ng mga smuggled na sigarilyo, nasabat ng Bureau of Customs sa Manila International Container Port

42

Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) ang dalawang container na naglalaman ng mga smuggled na sigarilyo sa Manila International Container Port (MICP).

Ang nasabing mga containers ay nakatakda sanang dalhin sa Philippine Economic Zone Authority (PEZA) sa Cavite.


Nabatid na galing ang kargamento mula sa China na nakapangalan sa YJC International Corporation kung saan idineklara ito bilang plastic frames, round tubes, plastic bags, at plastic sheets.

Pero nang dumaan sa physical examination, dito na nadiskubre na naglalaman ito ng 1,599 na package ng sigarilyo na nagkakahalaga ng 60 milyong piso.

Agad na kinumpiska ng customs ang naturang shipment dahil paglabag sa R.A. 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), gayundin sa inilabas na guidelines ng National Tobacco Administration (NTA) at sa regulasyon ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Facebook Comments