AGRICULTURE | Senador Villar may hamon sa mga magsasaka at mangingisda ng norte!

Dumalo si Chairman Committee on Agriculture and Food Senator Cynthia Villar
sa 2nd Pangasinan Umaani Expo 2018 noong ika-15 ng Marso 2018 sa
Provincial Nursery sa Tebag West Sta. Barbara at ayon sa kaniya dapat
umanong mapaunlad ang Magsasaka at Mangingisda sa Northern Luzon.

2/3 nang populasyon ay nasa larangan ng independent agriculture
kaya dapat lamang na palaguin ang kalakaran ng Agrikultura sa lugar.
Pangasinan ang ikatlo sa pinaka malaking Agricultural Province, pangalawa
ang Nueva Ecija at nangunguna ang Isabela. Isa umano ang Umaani sa mga
paraan upang magkaroon ng oportunidad na ibenta ang produkto , Makita ang
mga baagong kagamitan at kaalaman sa agrikultura,

Dagdag ni Villar na isa rin sa dapat linangin ang kakayanan ay
ang mga kababaihaan na nasa 25% ang bilang ng magsasaka sa buong bansa. Sa
Pangasinan lamang naka kita ang Senador ang may pinaka maraaming asosasyon
na nagpaparami ng binhi upang mapalaki ang produksyon.


Sa pag-aaral ng Philippine Institute For Development Studies may
prediksyon na kung hindi aalagaan ang mga maliliit na pamilya ng magsasaka
ay maaring magutom ang Pilipinas sa taong 2050.

Photo-credited to wikipedia

Facebook Comments