TRENDING | Hosting style ni Richard Gutierrez sa coronation night ng Miss Universe Philippines, pinuna

Manila, Philippines – Trending sa social media ang aktor na si Richard
Gutierrez kaugnay ng pagho-host niya sa grand coronation ng Binibining
Pilipinas 2018 kagabi.

Maraming netizen kasi ang nakapansin sa pasigaw na pagho-host ng aktor.

May mga nainis at nagtanong kung aware daw kaya si Richard na mayroon
siyang mic.


Habang ang iba, nagbiro na lang sa kanilang mga twitter post.

Nakarating naman ito sa ate ni Richard na si Ruffa Gutierrez at paliwanag
ng actress-beauty queen, kailangang taasan ni Richard ang kanuyang boses
habang nagho-host dahil mahina raw ang audio.

Hindi raw kasi marinig nina Richard at co-host na si Pia Wurtzbach ang
kanilang mga sarili habang nagsasalita sila.

Samantala, patuloy naman ang buhos ng mga pagbati kay Bicolana Beauty
Catrional Gray matapos tanghaling “Miss Universe Philippines 2018”.

<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments