Tuwa at kaginhawaan sa mga magsasaka ang magandang balita galing Department of Agriculture Regional Field Office matapos nitong igawad sa Munipal Agriculture Office ng Baymbang Pangasainan ang makinaryang tinaguriang “Modern Rice Planter”.
Isa itong makabagong teknolohiya para sa mga nagsasaka na layuning tulungang mapabilis ang produksyon ng pagtatanim ng palay. Unang makakasubok sa ‘rice planter’ ang mga magsasaka mula Mangabul Seed Growers Marketing Multi-Purpose Cooperative ng Brgy. Pantol. Bayambang, Pangasinan.
Ang lalawigan ng Pangasinan ang isa sa mga probinsya sa buong bansa na may malawak na taniman ng palay dahil narin sa pagiging isa sa pinamalawak pagdating sa land area na maaaring sakahan. Kaya naman di nakapagtatakang isa sa mga priority province ang lalawigan pagdating sa pagbibigay ng ayuda sa mga magsasaka.
[image: 250px-Ph_locator_pangasinan_bayambang.png]