Pinag-uusapan na ng Pilipinas at Tsina ang apat na major areas of cooperation na kinabibilangan ng agrikultura, imprastraktura, enerhiya at people to people ties.
Sinabi ito ni Chinese Ambassador Guang Xilian kasunod ng nagpapatuloy na maritime dispute sa pagitan ng dalawang bansa.
Ayon kay Xilian, kabilang sa imprasktura ay ang pakikipagtulungan upang palakasin ang information technology system ng bansa.
Mababatid na ipaprayoridad ni Information and Communications Technology Secretary Ivan Uy ang pagpapabilis ng internet speed sa Pilipinas.
Sa kabilang banda, sinabi ng ambassador na dapat idaan sa maayos at mapayapang dayalogo hinggil sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Mababatid na nanalo ang Pilipinas sa arbitral ruling ng United National Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) noong 2016 kung saan sinabi kamakailan ng Tsina na labag ito sa international law.