984 sa 2,588 bagong kaso sa bansa, mula sa NCR ayon sa DOH; Quezon City, nanguna may 180 bagong kaso ng sakit

71

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 984 na bagong kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) kahapon, July 15.

Ayon sa DOH, tatlo sa mga lungsod ng NCR ang nakapagtala ng higit sa 100 bagong kaso ng sakit na kinabibilangan ng Quezon City na may 180 new cases; Manila, 118 at Makati, 112

Samantala, narito naman ang naitalang new COVID cases kahapon sa iba pang bahagi ng Metro Manila:
• Taguig – 98
• Pasig – 79
• Las Piñas – 71
• Parañaque – 67
• Mandaluyong – 60
• Muntinlupa – 59
• Pasay – 51
• Caloocan – 27
• Marikina – 22
• San Juan – 16
• Valenzuela – 11
• Malabon – 5
• Pateros – 4
• Navotas – 3


Facebook Comments