Agrikultura sa bansa, papatayin ng rice tariffication law

Manila, Philippines – Papatayin ng rice tariffication law ang agrikultura sa bansa.

Sinabi ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate na maihahalintulad ang pagpirma ng Pangulo sa Rice Tariffication Law sa death warrant sa Philippine Agriculture.

Iginiit ng kongresista na kabaligtaran ang magiging epekto ng batas na mas lalong magpapabagsak sa buhay ng mga lokal na magsasaka.


Aniya, magdudulot ito ng overdependence sa imported rice, pagtaas ng presyo ng bigas at pagdidikta ng mga rice cartels sa suplay at presyo ng bigas sa merkado.

Hindi aniya ito ang solusyon sa krisis sa bigas ng bansa dahil tanging ang mga rice cartels at mga dayuhang rice suppliers lamang ang makikinabang dito.

Nababahala din ang mambabatas dahil isinusulong din ng mga economic managers ng Duterte administration ang liberalization ng sugar industry.

Facebook Comments