Kenneth Dong, naghain ng not guilty plea kaugnay ng P6 billion shabu shipment mula China

45

Manila, Philippines – Humarap sa arraignment sa Manila Regional Trial Court ang itinuturong middleman sa P6.4-Billlion shabu shipment mula China na si Kenneth Dong.

Mula sa NBI Headquarters, dumating sa Manila City Hall ang negosyanteng si Dong Yi Shen o Kenneth Dong at nagpasok ito ng not guilty plea sa sala ni Manila RTC Branch 46 Judge REinelda Estacio-Montesa.

Itinakda ng korte ang pre-trial sa kaso ni Dong bukas ganap na ala una y medya ng hapon.

Matapos ang arraignment, agad din ibinalik si Kenneth Dong sa detention facility ng NBI.

Nanatiling namang atlarge ang iba pang mga akusado sa shabu shipment kabilang na sina Richard Tan, Li Guang Feng alyas Manny Li, Tee Jay Marcellana, Chen I-Min, Jhu Ming Jhun at Chen Rong Juan.

Nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments