Muling napatunayan ni Dr. Gerald Quinit mula sa bayan ng Calasiao, ang kanyang pagiging certified Agripreneur, matapos manalo ng award mula sa Department of Agriculture – Agricultural Training Institute.
Ang nasabing award ay 2022 Youth in Agripreneurship Program Advanced Level Awardee.
Ito ay bahagi ng Agripreneurship Program na naglalayong hikayatin ang younger generations na maging agripreneurs.
Sinimulan ito ng Agricultural Training Institute o ATI noong nakaraang taon sa tatlong Region. Ang Region IV-A, Region VII at Region XII.
At ngayong taon naman ay naging bahagi na ang Regions I, II, X at XI sa mga nag implement ng nasabing programa.
Kaya isang malaking blessing para kay Dr. Quinit na maging isa sa mga awardee at maguwi ng P200,000 bilang gantimpala.
Ang awarding ay magaganap sa Dec 19, 2022 sa ATI Rural Development Education Center sa Diliman, Quezon City. |ifmnews
Facebook Comments