1K RESIDENTE NG MANAOAG, NABIGYAN NG FINANCIAL ASSISTANCE

Aabot sa 1,000 residente sa bayan ng Manaoag ang benepisyaryo ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na isinagawa sa Manaoag Covered Court.
Ang mga benepisyaryo ay mga magsasaka, solo parent, indigent, senior citizen, at persons with disabilities and special needs, kandila boys, parking boys, surrenders at iba pang vulnerable sektor.
Pinangunahan ni Senator Imee Marcos ang pamimigay ng 3,000 financial assistance sa mga ito upang mabigyan ng tulong ang mga indibidwal na nangangailangan gayong unti-unting bumabangon ang bansa mula sa pandemya.

Namigay din ng 5 milyon ang senador para sa lokal na pamahalaan na gagamitin para sa kanilang napiling proyekto. |ifmnews
Facebook Comments