Cauayan City, Isabela- Magbibigay ng suplay ng tubig ang Department of Science and Technology Region 02 sa pamamagitan ng Provincial Science and Technology Center (PSTC) sa ilalim ng Community Empowerment Through Science and Technology (CEST) program na layong tugunan ang kawalan ng access sa malinis at maiinom na tubig para sa Agta Community ng Sitio Dioryong, Disimungal, Nagtipunan, Quirino.
Sa katatapos na Technology Needs Assessment (TNA) na isinagawa ng PSTC, inilapit ng Agta ang kanilang kawalan ng access sa inuming tubig lalo na sa panahon ng tag-araw.
Ayon kay Provincial Director Angel Gorospe, agad silang tumugon sa hinaing ng mga Agta sa pamamagitan ng programang CEST ng DOST.
Base sa ginawang assessment ng TNA team, madali umanong magkaroon ng natural hazards na nakakaapekto sa kalidad ng tubig na posibleng humantong sa kalusugan at nutrisyon ng komunidad.\
Facebook Comments