Aguilar, Pangasinan PNP, umalma sa maling balita kaugnay sa bilang ng namatay sa nahulog na truck

Naglabas ngayon ng paglilinaw ang Philippine National Police (PNP) sa naganap na aksidente kamakailan sa bayan ng Aguilar sa Pangasinan.

Sa panayam ng IFM Dagupan kay Aguilar PNP Chief of Police Major Mark Ryan Taminaya, apat lang ang namatay sa nasabing aksidente aniya at hindi katulad ng lumabas sa ilang mga media outlet na umabot na sa pito.

Ayon pa kay Taminaya, nakalabas na rin sa pagamutan ang ilan sa mga na-confine matapos ang aksidente.


Sa ngayon, sarado ang daan ng Sitio Laoag ng Barangay Mapita maliban sa mga gumagawa sa nasabing daan at mga residente doon.

Matatandaan na naganap ang malagim na aksidente sa nasabing lugar kung saan ay apat ang namatay mula sa mahigit tatlumpong sakay ng truck na pawang mga construction worker.

Samantala, ikinatuwa ngayon ng pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan ang hindi pagtalikod ng kompanya kung saan nagtatrabaho ang mga biktimang construction workers na nadisgrasya sa bayan ng Aguilar.

Facebook Comments