Agusan del Sur Provincial Government, naghatid ng tulong sa mga taga – Marawi

182

Patuloy pa rin ang paghatid ng tulong ng lokal na pamahalaan ng lalawigan ng Agusan del Sur sa mga lumikas na residente ng Marawi bunsod ng nagaganap na armadong kaguluhan sa lungsod.

Mismong si Agusan del Sur Gov. Eddie Bong Plaza ang nanguna sa paghatid ng tulong kamakailan lang para sa mga sundalo at mga bakwit sa Marawi na iniabot sa logistic area ng 4th Mechanize Division ng Phi. Army.

Aabot sa 2 milyon pesos ang halaga ng bigas, 700 thousand pesos ang non food items, mga chocolate bars para pampalipas gutom sa mga sundalo at iba pa.


Sinasabi nang sumiklab ang digmaan sa Marawi, ang pinakaunang LGU na naghatid ng tulong sa mga apektado ay ang Agusan del Sur.

Facebook Comments