MNLF, patuloy na tumutulong sa pamahalaan sa nagpapatuloy ang kaguluhan sa Marawi City

629

Marawi City – Patuloy ang pagtulong ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa pamahalaan habang nagpapatuloy ang kaguluhan sa Marawi City.

Ayon kay Atty. Emmanuel Fontanilla, MNLF Spokesman – nagbibigay sila ng intelligence report sa militar.

Dagdag pa ni Atty. Fontanilla – nakahanda na rin ang kanilang puwersa at naghihintay lamang ng magiging kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte para tumulong sa tropa sa gobyerno.


Binigyang diin din nito na handa ang kanilang grupo upang makipagbakbakan sa Maute Group sa Marawi City.

Facebook Comments