Inulan ng tawag at reklamo ang CASURECO 2 sa CamSur dahil sa naganap na mahabang brown-out kahapon ng madaling araw sa Bagumbayan Norte, Naga City at simula sa bayan ng Canaman hanggang sa Calabanga, Camsur.
Ayon sa pahayag ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), isang malaking ahas ang sanhi ng nasabing power interruption.
Sa mensaheng pinadala ng opisyal ng NGCP kay RadyoMan Grace Inocentes ng radio station DWNX: “Good am. Restored na po 6:24 (ng umaga ang) Naga-Tinambac 69kv tripped off. Meron po nag crawl na snake sa Pole # 86 na-entangled and electrocute.” Ito pa, “restored power transmission service in parts of Camarines Sur, 20 September, 6:24 am, affected DU: Casureco 2, Facility: Naga-Tinambac 69kV line, Reason: tripping attributed to snake that crawled up the pole, electrocuted and entangled at Pole # 86 of Naga-Tinambac 69KV line segment, caused the line to trip at 00:44 am, 20 September. We apologize for the inconvenience brought by the unscheduled power interruption. From NGCP Naga.”
Ang brown-out ay tumagal ng higit-kumulang anim na oras.
Naging mainit ang madaling araw ng mga apektadong residente dahil sa nasabing brown-out at lalo pang uminit ang kanilang ulo dahil sa halos wala na rin silang matatawagang gumagana o sinasagot na landline o mobile number sa Casureco 2.
Nilinaw naman sa report na ang nasabing brown-out ay sanhi ng linyang sakop ng NGCP at hindi ng Casureco 2.
Photo credit: NGCP