Ahas, natagpuan sa isang oven habang nagbi-bake ng pizza ang mag-asawa para sa hapunan

(Image via Facebook)

NORTH CAROLINA, USA – Ikinabigla ng mag-asawa ang natagpuang ahas sa loob ng kanilang oven nang magplano silang mag-bake ng pizza.

Lunes ng gabi nang magpasya ang mister na si Robert Helm na paiinitin ang oven para ilagay ang pagkain bilang kanilang hapunan.

Nang maipasok umano ang pizza sa loob, napansin nila ang biglaang pag-usok ng oven na agad naman nilang napigilan.


“The oven started smoking and I told my boys ‘back up’ so I can make sure a fire or anything didn’t happen,” ani Amber.

Nang tingnan daw niya ang loob nito, agad na tumambad ang ahas na tila wala ng buhay.

Kwento ng mag-asawa, matagal na raw nilang hindi ginagamit ang oven kaya hindi na nila nagawang i-check ang loob nito.

Huling gamit daw nila rito ay noong nagluto sila ng ham noong araw ng pasko.

“The oven was dark and the snake was likely dead by then from the preheat,” saad ni Amber.

Maaring nakapasok daw ang naturang hayop sa mga butas ng kanilang oven.

Kaugnay nito, hindi pa rin sigurado ang mag-asawa kung paano nakapasok ang ahas sa kanilang bahay.

Facebook Comments