VIRAL: Special child, binubugbog ng nobya ng tiyuhin

7785
Courtesy Wenona Ilagan

IMUS, CAVITE – Kalunos-lunos ang sinapit ng isang special child sa nobya ng mismong tiyuhin niya.

Ibinahagi ng nanay na si Wenona Ilagan ang video ng aktwal na pananakit ng suspek sa kaniyang anak.


Kita sa video na kinaladkad, tinadyakan, at sinuntok ng babae ang batang lalaki.

Tila hindi pa siya nakuntento sa nangyari kaya hinagis niya sa sahig ang kaawa-awang biktima.

(BABALA: SENSITIBONG VIDEO)

Ayon kay Ilagan, labis siyang nagalala nang makitang may pasa at galos ang katawan ng supling.

Nag-imbestiga ang ina kaugnay sa nangyari sa bata sapagkat hindi ito nakakapagsalita.

Doon na niya napanood ang video ng pambubugbog ng salarin na kuha ng isang kapitbahay.

Kinilala ng madre de pamilya ang suspek na si Analiza Agula Perez, residente daw sa Barangay Don Luis, San Jose, Batangas.

Paliwanag ni Ilagan, kinuha niyang yaya si Perez para alagaan ang anak na may special needs habang nasa trabaho siya.

Hinahanap na ngayon ng awtoridad ang salarin na hinihinalang nagtatago sa Batangas.

Sasampahan ng kasong Violation Against Women and their Children Protection Act in relation to Republic Act 7610 si Perez.

Facebook Comments