Cauayan City, Isabela – Dinagsa ng mga estudyante ng elementarya at high school ang isinagawang open chess tournament sa Tuguegarao City.
Ang nasabing torneo ay isinagawa sa Linao National High School kahapon, ika-19 ng Oktubre 2019 na binansagang “Battle of the Brains”
Tatlong kategorya ang nakataya sa “Battle of the Brains” at ito ay ang elementarya, high school at open category.
Sabayang naglaro ang mga bata at matatanda na sinalihan ng mga datihan nang magagaling ng ahedres sa Tuguegarao at mga kabataang mula sa elementarya at high school na nagsimulang mahalin ang chess bilang sports.
Malayong mas marami ang mga kabataang lumahok mula sa elementarya at high school sa bilang na 97 kumpara sa 22 lamang na matatanda. 44 ang elementarya at 53 ang mag-aaral ng high school.
Ang torneo ay ginanap gamit ang 7 round swiss system na kung saan ay naglabolabo sa labanan ang mga matatanda at mga bata na kasali.
Kampeon sa Torneo si Remel Ramirez, at ang pumangalawa hanggang sa pang sampu ay ang mga sumusunod: Jerwin Tolentino; Jake Tumaliuan; Jake Anastacio; Lambert Arugay; Robert Mania; Jonito Tumaliuan; Ert Remudaro; Randolf Langcay at Kenneth Barrera.
Ang kategorya ng elementarya ay pinangunahan ni Lance Langcay ng Annafunan Elementary School, pumangalawa si Sofia Morada na pumangatlo naman ang kanyang kapatid na si Yosef Morada na nag-aaral sa Bagay Elementary School. Ang pang-apat ay si Penelope Sanchez ng San Gabriel Elementary School, pang-lima si Yoash Alton Gumiran ng Bagay Elementary School, pang-anim si Ferdinand Guiking ng North Central School, Pang-pito si Sean Ejay Addun ng East Central School, Pang-walo si Russel Napilot ng Annafunan Elementary School, Pang siyam si Grant Denver Barrera ng Larion Bajo Elementary School at Pang-sampu si Marou Orlanes ng Annafunan Elementary School.
Ang kategoryang pang high school ay pinangunahan ni Krizza Baggayan ng University of Saint Louis (USL) Tuguegarao, pumangalawa si Robert James Pebenito, Pangatlo si John Lester Capuyoc na parehong nag-aaral sa Cagayan National High School. Pang-apat si John Benedict dela Cruz ng USL Tuguegarao, Pang-lima si Eunice Joy Bucayo ng Tuguegarao City Science High School, Pang-anim si Miles Audrey Langcay ng Linao National High School, Pang-pito si Francis Apostol, pang-walo naman si Giane May Guiking na parehong nag-aaral sa Cagayan National High School, pang-siyam si John Rick Baston at pang-sampu ay si Carlos Miguel Tagacay na mga mag-aaral ng Linao National High School.
Prominente sa mga sumali ay ang kasapi ng Philippine Team Under 8 Age Group na si Yoash Alton Gumiran na naging bronze medalist sa 4th Eastern Asia Youth Chess Championship U08 na ginanap sa Asia Hotel, Bangkok, Thailand noong buwan ng Agosto.
Isa din sa mga sumali ay ang kampeon ng CAVRAA Chess Event at palarong pambansa player na si Eunice Joy Bucayo ng Tuguegarao Science High School.
Nakipagsabayan ang dalawa sa pakipagtagisan sa mga matatanda at kilala nang mga manlalaro ng ahedres ng Tuguegarao.
Samantala, ang kinilalang “Best Senior Player” na kalahok maliban sa kanyang pan-limang puesto ay si Ginoong Lambert Arugay na kilalang isa sa mga magagaling na naglalaro ng ahedres sa Tuguegarao City na isang retired bank manager.
Panay naman ang pasalamat ng pangunahing nag-organisa sa torneo na si Ginang Sol Bitamor, guro sa Linao National High School at ang kanyang esposo na si Ginoong Robert Bitamor Jr dahil sa dami ng mga lumahok lalo na ng mga kabataan sa naturang “Battle of the Brains” tournament. Ang torneo ay pangunahing inisponsoran ng LGU Tuguegarao sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Jefferson Soriano at Bise Mayor Benben de Guzman.
Tuwang-tuwa din sa kanilang nakitang paglahok ng mga kabataan sina Linao National High School Principal ll Grace T. Macabadbad at Head Teacher lll Pilar A. Tumanguil na mismong nag-abot ng mga premyo sa pagtatapos ng torneo at aktibong sumuporta sa buong araw na aktibidad.
Binuksan ang torneo sa pamamagitan ng ceremonial move nina Yoash Alton Gumiran at ni SDO Tuguegarao Education Supervisor/MAPEH Randall A. Talamayan.