AHENSYA NA TUTUTOK SA MENTAL HEALTH, BINUBUO NG LGU ILAGAN

Isinagawa ang Joint Meeting ng iba’t ibang sektor ng LGU Ilagan kaugnay ng pagsusumite ng panukalang programa ukol sa Mental Health Crisis nitong Huwebes, Hulyo 28, 2022, sa City of Ilagan.

Pinangunahan ni Hon. Jay Eveson “Jayve” Diaz, City Councilor ang nasabing pagpupulong katuwang ang Local Child Protection Council for the Protection of Children (LCPC), Local Youth Development Council (LYDC), Local Council Against Trafficking – Violence Against Women and their Children (LCAT-VAWC).

Ang nabanggit na panukalang programa ay may titulong YAKAGIN, AGBAYAN, KAUSAPIN AT PAKINGGANG ILAGUENONG NANGANGAILANGAN’ (YAKAPIN).

Ito ay isang mental health and suicide prevention strategy na magsisilbi bilang Mental Health Crisis Management Agency ng LGU Ilagan para sa mga mamamayan na nangangailangan ng tulong para sa mental na aspeto.

Samantala, ang nasabing panukalang programa ay nakatakdang isumite sa Office of the City Mayor para ma-aprubahan.

Facebook Comments