1 PATAY, 1 KRITIKAL SA BANGGAAN NG DALAWANG TRUCK

22
Cauayan City, Isabela- Patay ang isang drayber habang nasa kritikal na kondisyon ang pahinante nito matapos sumalpok ang kanilang sinasakyang forward truck sa isang trailer truck sa Calitlitan, Aritao, Nueva Vizcaya kahapon, July 27, 2022.

Kinilala ang nasawi na si Arnold Mundo, 48 taong gulang, may asawa at residente ng Benito Soliven habang inoobserbahan sa pagamutan ang kaniyang pahinante na si MJ Quilang, nasa tamang gulang at residente ng Cataging, San Mariano, Isabela.

Ang drayber ng trailer truck ay kinalala na si Jayson Ponciano, 36- taong gulang, may asawa at residente ng Brgy. Afunan, Camalaniugan, Cagayan.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa PNP Aritao, binabaybay ng trailer truck ang timog na direksyon ng daan habang ang forward truck naman ay patungo sa hilagang direksyon nang sumalpok ito sa rear left wheel ng trailer truck hanggang sa bumangga sa concrete barrier at tuluyang nahulog sa palayan.

Habang ang isa pang truck ay aksidenteng bumangga sa nakaparadang motorsiklo at isang bahay sa gilid ng kalsada.

Nahaharap si Ponciano sa kasong Reckless Imprudence resulting in Homicide, Physical Injury and Damage to Properties.



Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng awtoridad hinggil sa insidente.

Facebook Comments