Ahron Villena – bakla???

Manila, Philippines -Tinatawanan na lang daw ni Ahron Villena ang hindi mamatay-matay na isyu na bakla siya.

Sabi ng aktor – confident siya sa kanyang sarili kaya bahala aniya ang mga netizen na nag-iisip ng kung ano-ano tungkol sa kanyang kasarian.

Nang tanungin naman tungkol sa kanyang lovelife sagot ni Ahron, trabaho ang focus niya ngayon.


Hindi rin naman daw siya nagmamadali dahil naniniwala aniya siya sa kasabihang, “ang pag-ibig hindi hinahanap, kusang dumarating ‘yan”.

Dagdag pa ni Ahron, nag-iipon muna siya dahil gusto niyang makasiguro na stable na siya sa buhay kapag nagka-girlfriend na siya.

Facebook Comments