Ilang kalsada sa lungsod ng Pasig at QC – isasara mamayang gabi

Manila, Philippines – Paalala sa mga motorista, pansamantalang sasarudahan ang ilang kalsada sa mga lungsod ng Quezon at Pasig mamayang gabi.

Magsasagawa kasi ng road repairs ang DPWH ngayong weekend.

Magsisimula ang pagsasaayos mamayang alas 11:00 ng gabi hanggang alas 5:00 ng umaga ng lunes, august 14.


Kabilang sa mga apektadong kalsada ang:

Southbound:
– 2nd lane ng A.Bonifacio Avenue sa pagitan ng Del Monte Street at Binhagan Street sa Quezon City
– 2nd lane ng EDSA malapit sa Trinoma
– C5 road malapit sa Julia Vargas sa Pasig City

Northbound:
– Mc Arthur Highway malapit sa Monumento Circle sa QC
– 2nd lane ng Mindanao Avenue malapit sa Road 20
– 3rd lane ng Congressional Avenue Extension sa pagitan ng Visayas Avenue papuntang Tandang Sora Avenue
– 2nd Lane ng Quirino Highway sa pagitan ng Regalado Avenue North hanggang La Mesa Dam
– Manila East Road sa harap ng SM East Ortigas sa Pasig City

Westbound:
– 1st lane ng Luzon Avenue sa pagitan ng Commonwealth Avenue hanggang Congressional Avenue Extension

Facebook Comments