AHW sa pagbababa sa NCR sa Alert Level 3: ‘Health workers, hindi pa nakaka-relax’

Dismayado ang grupo ng mga health workers sa pag-apruba ng Inter-Agency Task Force (IATF) na maibaba sa Alert Level 3 ang Metro Manila simula October 16.

Ayon kay Alliance of Health Workers (AHW) President Robert Mendoza, ang hiling nila ay mapalawig pa sana ng dalawang linggo ang Alert Level 4.

Punto ni Mendoza, kahit bumababa na ang COVID-19 cases, hindi pa rin naman nakaka-relax ang mga health worker dahil marami pa rin ang nakapila sa mga emergency room.


Giit pa niya, kaso lang naman sa National Capital Region (NCR) ang bumababa habang patuloy na namomroblema ang ibang rehiyon.

Bukod dito, umaaray na rin aniya ang mga probinsya sa ‘palakasan system’ sa pamamahagi ng bakuna.

Facebook Comments