Ai Ai delas Alas at Gerald Sibayan, planong magka-baby ngayong 2021!

296

Ibinunyag mag-asawang Ai Ai delas Alas at Gerald Sibayan ang plano nilang magkaroon ng baby sa pamamagitan ng in vitro fertilization (IVF).

Say ni Ai Ai, sinimulan nila ang proseso nito noong 2017 at ngayong taon nila balak na magka-baby.


Taong 2017 nang ikasal ang dalawa at nakatakdang magdiwang ng kanilang 4th wedding anniversary sa Disyembre.

Hindi raw nila nararamdaman ang kanilang 30-year age gap dahil best friends ang turing nila sa isa’t isa.

Samantala, si Ai Ai ay may apat nang anak, sina Sancho, Nikki, Sophia, at Seth.

Facebook Comments