Street sweeper, patay matapos mabagsakan ng poste ng kuryente sa Antipolo City

Patay ang isang street sweeper matapos mabagsakan ng poste ng kuryente sa Barangay Dela Paz, Antipolo City.

Sa report ng Antipolo City Disaster Risk Reduction and Management Office, pasado alas-10 ng umaga kanina nang mangyari ang insidente sa Sitio Mapayapa.

Sa facebook post ni Antipolo City Mayor Jun Ynares, pauwi na sana galing sa trabaho ang babaeng biktima nang mabagsakan ng poste ng meralco ang kaniyang sinasakyang tricycle.


Agad na binawian ng buhay ang biktima matapos magtamo ng matinding pinsala sa katawan habang nadala naman sa ospital ang driver nito.

Ang nasawi ay nagtatrabaho bilang street sweeper ng General Services Office ng Antipolo City.

Dahil sa insidente ay nawalan ng suplay ng kuryente ang lugar habang patuloy ang pagsasaayos at clearing operation sa pinangyarihan ng insidente.

Facebook Comments