Ai-Ai Delas Alas, nag-react sa sinasabing magkamukha sila ni Mayor Joy Belmonte

25

Idinaan lang sa tawa ni Comedy Queen Ai-Ai Delas Alas ang mga meme tungkol sa kanya at kay Quezon City Mayor Joy Belmonte.


Marami kasi ang nagkukumpara na magka-mukha silang dalawa.

Mula sa boses at hugis ng kanilang mga mukha ay parehas na parehas daw kaya hindi maiwasan ng mga netizen na gawan sila ng memes.

Pero imbes na mainsulto, tawang-tawa si Ai-Ai sa memes at sa mga nagsasabi na parang nananalamin lamang siya kapag kaharap si Mayor Belmonte.

Tanong pa ng comedy queen, tanggap ba ni Mayor Belmonte na magkamukha sila?

Sa tingin niya ay medyo maputi siya kaya feeling niya ay mas maganda siya kaysa kay mayora.

Facebook Comments