Aiai Delas Alas, balak magpahinga sa showbiz para makabuo ng baby

via Instagram / msaiaidelasalas

Kasalukuyang abala si Aiai Delas Alas sa bago niyang pelikula na “And Ai Thank You” na ipapalabas sa Agosto 14.

Makakasama niya sa proyekto sina Rufa Mae Quinto, Kakai Bautista, at Dennis Padilla.

Sinasamantala na raw ng Comedy Queen ang pagtatrabaho ngayon dahil balak niyang magpahinga sa showbiz sa susunod na taon para mag-focus sa planong pagbubuntis.


Sa press conference ng “And Ai Thank You”, ibinunyag ni Aiai na susubukan niya munang magbuntis sa pamamagitan ng embryo implantation bago ang surrogacy.

“May ano na ako, embryo… implant na lang. Thank you, Lord. God is good. Kaya magpapahinga muna ako, kailangan mag-bed rest ako,” ani Aiai.

“It-try ko muna na ako. Then kapag hindi kaya, kapag hindi naging successful–but mabait ang Diyos, alam kong magiging successful–saka ako magre-resort to surrogacy. Pero ako muna, healthy naman ako eh. Alam kong kakayanin ko,” dagdag niya.

Ayon pa sa aktres, suportado ng mga anak niya ang planong pagbubuntis.

“Excited na excited na sila. Kahit naman ako, excited lang ako eh,” aniya.

Facebook Comments