DOJ, nangangalap na ng impormasyon kaugnay ng Philippine based owner ng 8chan online message board

Inatasan na ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang kanyang mga staff para mangalap ng impormasyon kaugnay ng operasyon ng 8chan, isang online message board na may kinalaman sa tatlong mass shootings sa Amerika at New Zealand.

Lumalabas kasi sa report na ang may-ari ng 8chan na si Jim Watkins ay nakabase sa Pilipinas.

Si Watkins ay isang US Army veteran.


Sinabi ni Guevarra na anuman ang makakalap nilang impormasyon ay pagbabasehan ng kanyang desisyon kung papapasukin ang NBI sa imbestigasyon.

Kabilang din sa sinisilip ng DOJ kung kapangalan lamang ni Jim Watkins ang Jim Watkins na nanirahan sa Pilipinas.

Lumalabas sa record ng Bureau of Immigration na si Watkins ay umalis na ng Pilipinas noong May 9.

Facebook Comments