Aiko Melendez at boyfriend na si Zambales Vice Governor Jay Khonghun, hiwalay na?

How true ang chikang break na raw ang magkasintahang Aiko Melendez at Zambales Vice Governor Jay Khonghun?

Kasunod na rin ito ng hindi pagpaparamdam at hindi pagbati ng vice governor kay Aiko nitong nakaraang Mother’s Day celebration, May 10.

Nabatid na dati-rati ay walang palya si Jay sa pagpu-post ng pagbati niya kay Aiko, pero ngayong taon ay walang greeting ang vice governor sa multi-awarded actress.


Ni wala ring post si Aiko sa kanyang social media accounts kung binigyan ba siya ni Jay ng roses at chocolates, o anumang regalo.

Kapansin-pansin ding walang anumang bagong update si Aiko sa kanyang social media kung saan huli sila magkasama ay noong April 17, 2020 pa.

Facebook Comments