Aiko Melendez kumpirmadong may bagong pag-ibig

Mula sa ‘single’ ay in-love na ibinunyag ng aktres na si Aiko Melendez na ‘in a relationship’ na ang estado ng kanyang puso ngayon.
Ito ay nangyari matapos niyang mag-post ng picture sa Instagram kasama ang dalawang anak na sina Andre at Marthena.
Masayang sinagot ng dramatic actress ang komento ng isang netizen na pareho sila ng kapalaran at masaya siyang makasama ang mga anak kaysa asawa.
Ayon kay Aiko, “Our time will come,” sabay sabing, “I am in a relationship now.”
Hindi naman pinangalanan ng aktres ang pagkatao ng bagong pag-ibig niya ngayon.
Subalit matatandaang November 2017 nang kinumpirma ng aktres ang pakikipag-date niya sa isang pulitiko mula sa North.
Ito na kaya ang tinutukoy niya noon sa paglalarawan niyang, “mabait, nakakatawa, kaya hindi mahirap pakisamahan,”?

Facebook Comments